June 02, 2005


This Week


Headlines

CBCP Hindi Superbody - Capalla

Discount Para Sa Pamasahe ng Estudyante

Editorial

WORLD ENVIRONMENT DAY

Special

CONSECRATION TO THE SACRED HEART OF JESUS

EYEBALL launching: SI PARING ERICK NG TUNDO

Mga Pamahiin sa Kasal

Kasalan: Malaking Negosyo


Segments

BEFORE SUNDAYS: Mga Pagbasa para sa Misa sa June 5, 2005

BITS AND BOBS: Imported Lecturer

TANGGERO: Kasal o Sakal?

FORWARDED: Kasal-kasalan!!!

CINEMA : La Visa Loca


UTAKAN CHALLENGE presents PacMAN
CLOSING REMARKS


***********************************






CBCP Hindi Superbody - Capalla


By Mk Flores


Nilinaw ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Fernando Capalla na ang CBCP ay hindi superbody na mas mataas o mas makapangyarihan pa sa sinumang obispo..


Ang paglilinaw ay ginawa ng Arsobispo kaugnay sa pagkakasangkot ng pangalan ng apat na obispo sa plano umanong pabagsakin ang gobyernong Arroyo.


Ayon sa batas ng Simbahan, ang mga diocesan bishops ay autonomous o malaya sa isa't isa. Ang bawat isa sa kanila ay direktang nasa ilalim ng kapangyarihan ng Santo Papa.


Sinabi pa ni Capalla, "While we hope that the bishops’ statements were neither misquoted nor taken out of context, these statements, however, do not reflect the thinking of the entire conference of bishops, or CBCP."



Back to the top





Multa sa Driver na Di Magbibigay ng Discount



Jeepney drivers who refuse to give fare discount to students face suspension of their driver's license once House Bill 4351 is enacted into law.

Authored by Rep. Acmad Tomawis (Party-list, ALIF) the measure seeks to grant a 20 percent student fare discount in transport utilities like jeepneys, taxis, airplanes, ships, the Light Railway Transit (LRT) and Metro Rail Transit (MRT), to name a few.

The fare discount privilege shall be availed by students who are not more than 30 years of age and currently enrolled either in elementary, secondary or collegiate institutions, including vocational and technical schools.

Tomawis said the student fare discount would immensely help the parents who are not only reeling from the skyrocketing prices of basic commodities but of the spiraling tuition fees as well.

"Parents have already been financially saddled and burdened by the series of tax measures Congress had recently passed. This grant of fare discount would somehow enable them to stretch their budget to meet school expenses," Tomawis said.

Tomawis pointed out that it is during weekends, holidays and breaks that students are given the chance to further strengthen and enhance their learning and knowledge acquisition through researches, group discussions, educational tours and trainings and seminars.

Under the bill, fare discount shall be available during the entire school year for elementary and secondary students, during the semester for college students and during the duration of a course for vocational or technical students, including weekends, holidays, semestral breaks and Christmas vacations.

The measure likewise imposes the penalty of a 3-month suspension of license plus a fine of P500 for erring driver, conductor or inspector of Land Transportation Utilities and a fine of P5,000 for each violation against erring firms/establishments of all other transport utilities, except the Rail Transport Utilities.( Vicki Palomar, PRID )

(congress.gov.ph)


Back to the top


EDITORIAL:


WORLD ENVIRONMENT DAY


Ngayong ika-5 ng Hunyo, ipinagdiriwang sa buong mundo ang World Environment Day. May mahalagang tungkulin tayo bilang mga tao at mga Kristiyano na pangalagaan ang kapaligiran. Nakakalungkot isiping sa modernong panahon ay makikita ang patuloy na pagsira sa likas-yaman at paglaganap ng polusyon. May magagawa ba tayo bilang mga indibidwal at bilang isang pamayanan?

Heto ang ilang gawain na maaari nating gawin bilang pakikiisa sa selebrasyong ito:

1. Pagkain ng mga gulay, prutas, at iba pang masusustansyang pagkain.
2. Pagbenta ng mga lumang dyaryo, bote, garapa, at lata sa magbobote.
3. Paggamit ng sapat na tubig sa pagligo, pagdilig ng mga halaman, paglalaba, at pagluluto.
4. Paggamit ng timba at tabo sa pagdilig ng mga halaman at paglilinis ng bakuran at kotse.
5. Madalas na paggamit ng mga pampublikong transportasyon gaya ng jeep, tren, at bus patungong trabaho o paaralan.
6. Pagsasauli ng mga bote ng softdrinks at beer sa tindahan.
7. Wastong paggamit ng mga de-kuryenteng kasangkapan.
8. Masulit na paggamit ng mga plastic bag.
9. Paglilikom ng mga balat ng itlog, gulay, at prutas para gawing compost sa halamanan.
10.Pakikipagtulungan sa mga basurero sa oras ng koleksyon ng basura.



Back to the top






SI PARING ERICK NG TUNDO




Isang malaking karangalan para sa Tanghalang Anluwage, Inc. ang pagpapaunlak ng nag-iisang Fr. Erick Santos, ang Parish Priest ng Santo Nino de Tondo.

Si Fr. Erick, or Rev. Fr. Enrique Santos, ay ang sagisag ng mga kabataan ng Simbahan: matalino, masigla, makulit, kwela at higit sa lahat maka-Kristo. Sa taglay niyang karisma at dedikasyon sa kanyang ministry, walang madugong pagtutol kung idedeklara natin siyang isa ng ALAMAT. Buhay na alamat.

To start our EYEBALL, allow us to quote another popular priest about Fr. Erick - si Fr. Jerry Orbos, " At the "Concert for the Missions," Fr. Erick Santos brought the house down with his natural and contagious sense of humor. He is funny, without even trying. What makes him so effective I think is his willingness to give himself, even make a fool himself, for the sake of others. Give na give talaga. He is one priest who knows how to be self-effacing to make the flock happy and see again the bright side of life. Father Erick, in so many ways, reminds us again of the "11th Commandment," i.e. "Do not take yourself too darn seriously!"



ANLUWAGE: Mula po sa mataas na altar table ng isang simbahan sa Pasig hanggang sa paglangoy sa Malabon, Father, sa tingin po ba ninyo ay nalagpasan na ninyo ang pinakamatinding challenge ng pagkapari?

FR. ERICK: Mahirap sabihin kasi everyday me dumadating na bagong challenge. And I love challlenges. It brings out the best in me.

ANLUWAGE: Kakaiba ang karisma mo bilang pari. At iba rin po ang style ninyo pati sa pagmimisa. Are you just being yourself or meron po kayong mensahe na gustong iparating sa ating Simbahan?

FR. ERICK: PAREHO. I'm being myself. There's no place in the church for hypocrisy. God made me this way. But it should not hinder me from being the BEST OF MYSELF. At the same time, I wish to convey a nessage, too. Kahit ano pa ang paraan ng pag- atake natin sa buhay (at sa buhay-simbahan), there will always be a place for everybody. Kahit hindi ako mukhang pari at di rin tunog-pari, I can still be effective for as long as I'm sincere.

ANLUWAGE: Can you call yourself a "rebel priest"?

FR. ERICK: Rebel, in a way, yes. Kasi nga unconventional ang approach ko. But I will always prescribe to the teachings of the Church. Medyo rebelde lang ang pamamaraan.

ANLUWAGE: Totoo bang tinanggihan mo raw pong hawakan ang Gagalangin?

FR. ERICK: NOT TRUE. It could have been a dream assignment. Kasi kahit hindi ako naka-asign sa Gagalangin, the people love me as their own.

ANLUWAGE: How'd you describe your friendship with Fr. Bong Guerrero?

FR. ERICK: Yan yung tipong magkaibigang kahit di laging nagkikita, alam namin that somewhere, somewhow meron kaming kaibigang laging matatakbuhan. Di kami nagkaroon ng kahit na kaunting pagtatalunan.

ANLUWAGE: Sinong mas pogi sa inyo?

FR. ERICK: OBVIOUS NAMAN, DI BA?

ANLUWAGE: Bakit hindi kasali si Fr. Bong sa Six Priests in the City?

FR. ERICK: He chose to be mellow by now. Eh ako kasi pinilit lang ding sumama sa grupo. Di naman ako singer.

ANLUWAGE: Bakit six lang po? Wala po ba kayong balak mag-expand?

FR. ERICK: Six lang talaga. And upon reaching the age of 45, automatic, papalitan na.

ANLUWAGE: Temporary lang ba ang Six Priests? Ano po ang objective nito?

FR. ERICK: sIX pRIESTS IN THE cITY IS HERE TO STAY. It is meant to be a group of singing priest friends - jamming-jamming, bonding-bonding. Parang magkakapatid. We wish to entertain and help poor parishes and church groups through concerts. Check our friendster page: sixpriests_inthecity@yahoo.com.

ANLUWAGE:Cardinal Sin or Archbishop Rosales?

FR. ERICK: Pareho.

ANLUWAGE: Ano ang pagkakaiba ng dalawang arsobispo?

FR. ERICK: Mas agresibo si Sin. Low profile si Rosales. Pero nagsasalita din kapag kailangan. Sin guided me through my 18 years of ministry. Rosales is a father who is always willing to listen.

ANLUWAGE: Please describe the new pope in 1 word.

FR. ERICK: MATINDI.

ANLUWAGE: Kung ibabalik ang time, would you still study in Torres High School?

FR. ERICK: SYEMPRE.

ANLUWAGE: Sino po bang idol ni Fr. Erick? Yung buhay pa.

FR. ERICK: BO SANCHEZ

ANLUWAGE: Kumustang parishioners ang mga taga-Sto. Nino?

FR. ERICK: Kasingkulit ko.

ANLUWAGE: In your personal view, ok lang po bang mag-casino ang mga pari?

FR. ERICK: Di yata maganda.

ANLUWAGE: How do you prepare for Mass?

FR. ERICK: I reflect for some minutes.

ANLUWAGE: What's your biggest disappointment, kung meron man?

FR. ERICK: Wala.

ANLUWAGE: Most embarassing moment po?

FR. ERICK: Pinagalitan ako ni Cardinal Sin sa harap ng maraming tao.

ANLUWAGE: Kung hindi naging pari si Fr. Erick, ano kaya siya ngayon?

FR. ERICK: Mayor of Manila.

ANLUWAGE: Should celibacy stay?

FR. ERICK: Defnitely.

ANLUWAGE: Paano po kayo naging close ni Ai-ai delas Alas?

FR. ERICK: We met 12 years ago. We talked and discovered na pareho kami ng Wavelength. Sya ang babaeng Fr. Erick ako namang ang lalaking AiAi. I love her very dearly. She is also supportive of my ministry.

ANLUWAGE: Smart or Globe?

FR. ERICK: Globe.

ANLUWAGE: Ano po ang dream ninyo para sa Church?

FR. ERICK: A church truly journeying with the poor and the youth. A successfull Pondo ng Pinoy.

ANLUWAGE: ABS or GMA?

FR. ERICK: Kahit kaibigan ko si AiAi, alam niyang GMA ako.

ANLUWAGE: Ano pong libangan ninyo?

FR. ERICK: Nature-tripping. The great outdoors.

ANLUWAGE: Pinakaluho ninyo, Father?

FR. ERICK: Travels abroad. Lagi namang libre eh. Lacoste apparels.

ANLUWAGE: Ok po ba sa inyong magkaroon ng paring babae?

FR. ERICK: Hindi pa oras.

ANLUWAGE: Ano po so far ang masasabing greatest accomplishment ninyo, Father?

FR. ERICK: Having sent several young people to high school and college. Remaining poor and simple. That's an accomplishment.

ANLUWAGE: Kung makakaharap po ninyo ang Diyos, ano ang pinakaunang sasabihin ninyo?

FR. ERICK: TARA NA PO.

ANLUWAGE: Maraming-maraming salamat po. Nga po pala, ilang taon na po kayo sa Priesthood? Sa UST po ba kayo nag-aral?

FR. ERICK: 18 years in the priesthood. I attended Our Lady of the Angels Franciscan Seminary (college), UST Central Seminary (Theology and Canon Law) and De La Salle (Masteral)

ANLUWAGE: MARAMING SALAMAT PO MULI, FATHER. Sana po'y hindi namin masyadong nagambala ang inyong oras.

FR. ERICK: ANONG HINDI?????


Back to the top




Click here









This coming Friday, 03 June 2005, is the Solemnity of the Sacred Heart of Jesus.

Consecration to the Sacred Heart of Jesus

O most holy heart of Jesus, fountain of every blessing, I adore you, I love you, and with a lively sorrow for my sins, I offer you this poor heart of mine. Make me humble, patient, pure, and wholly obedient to your will. Grant good Jesus that I may live in you and for you. Protect me in the midst of danger; comfort me in my afflictions; give me health of mind and body, assistance in my temporal needs, your blessing on all that I do, and the grace of a holy death. Amen.


"Our heart is restless until it rests on you." (St Augustine)

Saturday, 04 June, is the feast of the Immaculate Heart of Mary

Consecration to the Immaculate Heart of Mary

O Mary, Queen of Heaven and Refuge of sinners, I consecrate myself to your Immaculate Heart. I consecrate to you my being and my whole life, all that I have, all that I love, all that I am: to you I give my body, my heart, and my soul. To you I give my home, my family, my country. I desire everything in me and around me to belong to you and share in the benefits of your motherly benediction.

I promise you, O glorious Mother of God and loving Mother of men, to spread devotion to your Immaculate Heart, in order to hasten and assure, the coming of the kingdom of the Sacred Heart of your adorable Son, in my heart and in that of all men, in my country and in all the world, as in heaven, so on earth. Amen.

"I will never forsake you. My Immaculate Heart shall be your refuge and the road that shall lead you to God." (Our Lady's words at Fatima, 13 June 1917)



Back to the top



Mga Pamahiin sa Kasal


Alam nyo ba na hindi Hunyo ang pinakapaboritong buwan ng mga nagpapakasal na Pilipino kundi Disyembre hanggang Enero? Ang hula ko, dahil maganda ang dekorasyon ng simbahan kapag Pasko kaya mas maganda sa mga weyding fictyurs. Kung hindi man dahil dun ay dahil malamig ang simoy ng hangin ng mga buwan na ito at masarap ang may kaakap. (hayy... naalala ko na naman si Andres ko.)

Sa Amerika, ayon sa nakagawiang tradisyon, ang babae ang gumagastos ng halos lahat ng bagay sa kasal. Na kabaligtaran ng sa Pilipinas - lalaki ang gumagastos. Pero ngayon, hati na ang babae at ang lalaki sa gastos ng kasal. Kung ako ang tatanungin ninyo, mas gusto ko na konti lang ang gastusin sa kasal at i-taon na lang ang pera para sa kinabukasan ng mag-asawa. Pero, ako lang naman yon...

Madalas, for video's sake na lang ang pag-papa-agaw ng bride ng kanyang bouquet. Marami sa kanila, inaalay ang kanilang mga bulaklak sa simbahan, o nilalagay sa puntod ng namayapang mahal sa buhay. Marami na rin akong kilala na pinapa-professionally preserved ang kanilang mga bulaklak at kinakwadro.

May nakita na rin ako na isang pares ng sponsor lang ang nagsilbing veil, candle at cord sponsor. Hindi ako sigurado, pero parang Pinoy lang ata ang may ganitong mga sponsors. Um-atend ako ng kasal ng kapatid ni Andres ko at wala akong napansin na ganitong tradisyon sa kasalang yon.

Huwag ka raw magbibigay ng mga kutsilyo o ano pang mga kasangkapan na matulis o matalas dahil magkakahiwalay raw ang mag-asawa. At kung meron ngang matanggap na ganitong regalo, kailangang raw magbigay ng maliit na halaga (piso o mamera) ang bagong kasal sa nag-regalo para lumabas raw na "bili" ito at hindi "regalo". Pero ang arinola, ok na ok raw yan dahil maswerte raw. Maswerte rin daw kung magbabasag ang bagong kasal ng isang bagay sa reception. Malas daw ang magsuot ng perlas ang bride dahil puro luha raw ang idudulot ng pagsasama. Wag mo rin daw ihuhulog ang singsing, belo o ang aras habang kinakasal, malas rin daw yon.

"Something old, something new, something borrowed, something blue and a sixpence in her shoe". Alam na alam ng mga brides ito. Ang kasabihan kasi, ang "something old" ibig sabihin nun, lahat ng friendship bonds ng mag-asawa eh mananatiling mga friendship bonds por-eyver. "Something new" para naman sa fyutyur health, happiness at success. Pagkakataon na raw ng pamilya na makapagpahiram ng isang mahalagang bagay sa "something borrowed" pero kailangan na ibalik ito ng bride para maswerte raw. Nagsimula naman raw ang "something blue" nung naglalagay ang mga Israel na babae ng asul na ribbon sa mga buhok nila na simbolo ng katapatan. Ang sampera sa sapatos ng bride ay simbolo rin daw ng kaginhawaan sa darating na buhay may-asawa. (Pa-ginhawa kaya ng pa-ginhawa ang buhay ng mag-asawa depende sa laki ng perang ilalagay sa loob ng sapatos?)

Sign of fertility raw ang pagsabog ng bigas sa bagong kasal habang palabas ng simbahan. Ngayon, hindi na ginagawa ito kasi nga ang mahal ng bigas, ah! At nakakasakit pa raw ng tyan ng mga ibon. Ngayon, confetti na lang o bulaklak ang sinasabog nila. Ang bagong kasal ang unang naghahati ng wedding cake as a sign daw of "sheyring deyr layf tugeyder". At nakikikain naman ang mga bisita ng maliit na cake para swertihin sila. O, para sa mga dalaga, maglagay raw kayo ng maliit na piraso ng wedding cake sa ilalim ng unan ninyo at mapapanaginipan nyo raw ang magiging asawa ninyo. (hmmmm... kailangan kayang i-plastic muna ang cake para hindi naman madumihan ang punda mo?!?!)

Saksakan ng daming pamahiin at kasabihan tungkol sa kasalan. Dahil siguro lahat tayo gusto nating maging mapayapa, maginhawa at tahimik ang buhay ng kamag-anak o kaibigan nating bagong kasal. Una tayong nalulungkot kapag nalalaman natin na sila'y nag-aaway o mas malala, kung nagnanais na na maghiwalay. Hindi madali ang buhay may-asawa. Palagay ko nga, isa ito sa pinaka-malaking responsibilidad na pwedeng daungin ng isang tao. (Isama mo pa ang responsibilidad ng pagkakaroon ng anak.)
Narito pa ang ilan sa mga nahalungkat ko pa na mga suferstishens tungkol sa pagpapakasal:

1. Malas na makita ng groom ang bride bago sya mag-"wok dawn da ayl"
2. Ang bride lang ang dapat na naka-puti sa araw ng kanyang kasal. Bakit? Dahil siempre araw nya yon, ano?
3. Maswerteng ikasal ng isa o dalawang araw bago mag-full moon. Ang iba naman, maswerteng ikasal habang new moon. Pero malas daw ang ikasal kapag patapos na ang ikot ng buwan.
4. Kung umulan raw ng umaga ng kasal mo, mag-sabit ka ng rosaryo sa sampayan mo at siguradong magiging ma-araw sa oras ng kasal mo.
5. Kasabihan ng mga Intsik, maswerte raw ang pula. Kaya't ang mga dekorasyon nila, mga envelope na lalagyan ng perang regalo at kahit ang gown ng bride ay pula. (parang ginawa na ni Maricel Soriano ito sa isa sa mga pelikula nya, naalala nyo ba?!?!)

( Courtesy of Ate Sienna-pansitan.net )




Back to the top




Kasalan: Malaking Negosyo


Nagbago na raw ang panahon, sabi ng anak ko. Ngayon ay hindi na buwan ng Hunyo ang paborito ng mga nagpapakasal sa Pilipinas. Pinakamarami ngayon ang nagpapakasal sa malalamig na mga buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero.

Kaya hindi na raw uso ang June bride. Pero usong-uso pa rin ang pagpapakasal sa mga Pinoy. Kahit sa panahon ng taghirap at panganib na dulot ng terorismo at sakit na SARS, nagpapakasal pa rin ang mga Pinoy.

Di ba’t katatapos lang ng magkasunod na kasal ng dalawang anak na lalaki ni Pangulong Gloria Arroyo? Ginanap noong nakaraang buwan ng Mayo ang pinakahuling kasalan. Bakit nga ba?

Hangga’t may pera yatang gagastusin sa simbahan at handaan, magpapakasal at magpapakasal ang Pinoy. Kaya malaking negosyo ang mga kasalan sa Pilipinas.

Pati na ang mga kabataan na umpisa ay pagkahaba-haba ng pagli-live-in, sa simbahan din ang tuloy kapag nakaipon ng pera.

‘Yung mga walang pera naman na gagastusin para sa pinakasimpleng handaan ay hanggang live-in na lang humahantong. Tulad ng naging karpintero ko at karamihan sa tinatawag nating masa. Sila’y nagli-live-in o kasal sa “West Avenue” o huwes ang uso sa kanila.

Kapag peak season, umaabot halos sa pitong kasal araw-araw ang ginagawa sa malalaking simbahan sa Kamaynilaan. Isang taon ang kailangang reserbasyon para magpakasal sa mga simbahang ito.

Sabi nga ni Renee Salud, isa sa nangungunang couturier natin, may 20 hanggang 30 kliyente ang nagpapatahi sa kanya ng wedding gowns kapag peak months.

Dumadalas tuloy ang pagdaraos ng mga wedding exhibits—dalawa hanggang tatlo sa isang buwan. Bukod pa rito, may wedding websites na rin tayo.

Kung may 40,000 na kasalan na nangyayari taun-taon sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat, kitang-kita na ang mga tinatawag na “wedding suppliers.”

Sila ang mga gown designers, mga nagdidisenyo at nag-iimprenta ng wedding invitations, flower shops, food caterers, wedding organizers at iba pa.

Bawat seremonya sa isang kasalang Pinoy, kung tutuusin, ay maaaring pagkakitaan ng wedding suppliers. At mapapansin na halos walang ipinagbago ang mga seremonyas na ito.

Tulad ng kaugaliang pamanhikan. Kahit na ang Pangulo ng Pilipinas ay namanhikan sa mga babaeng pakakasalan ng kanyang mga anak.

Bahagi na rin ng tradisyon na ang babae at ang kanyang pamilya ang gumagawa ng halos lahat ng preparasyon sa kasal.

Nang ikasal ang kaisa-isa kong anak na babae, hindi biru-biro ang preparasyon na ginawa namin. Garden wedding kasi ang kasalan.

Pero sulit naman ang mga away at drama naming mag-ina sa ilang linggong paghahanap ng garden. Halos lahat ng mga bisita namin ay nagsabi na napakaromantiko at napakaganda ng Paco Park na pinili naming pagdausan ng kasal at handaan.

Kung alam lang nila ang mga preparasyon na pinagdaanan namin para maging romantiko at komportable ang lugar—nilatagan namin ang buong garden ng mga puti na higanteng tolda para masiguro na kahit umulan ay hindi maaabala ang seremonya.

Pinalagyan din namin ng sapat na ilaw ang buong paligid at nagpagawa pa kami ng plywood na dancefloor. May limang-katao na banda ang kinuha namin para sa magdamag na sayawan.

Elegante ang gayak ng mga hapag kainan. Masarap ang handa ng food caterer, sabi ng mga kamag-anak namin. Maayos din ang naging pagdadala ng seremonya ng kasal ng wedding organizer na kinuha ng anak ko.

Inaasahan ko na maiiyak ako sa kasal pero walang pumatak na luha habang pinapanood ang kasal. Siguro, hindi na ako maiyak dahil kahit manhid na ako sa pagod, pinakamaganda at pinakamaligayang December bride naman ang anak ko.

( Courtesy of Sol Juvida-PlanetPhilippines.com )



Back to the top



La Visa Loca




Moral Aspect : DISTURBING

Technical : Average


Nagbukas ang pelikula sa isang silid-paaralan kung saan ipinapakita ng mga musmos na mag-aaral ang kanilang mga "drawing" na nagsasaad kung ano ang gawain ng kani-kaniyang mga magulang. Sa halip na makapagsalita nang masaya tulad ng ibang mga bata, naihi sa hiya ang batang si Jason, pagkat ang kaniyang inang si Mara (Rufa Mae Quinto) ay isang sirena sa karnabal. Anak sa pagkadalaga si Jason, subalit nang malaman niyang siya'y buntis, iniwan ni Mara ang ama ng bata, si Jess Huson (Robin Padilla), at inilihim dito ang kanyang pagbubuntis. Pangarap ni Jess na makapagtrabaho sa Amerika kung saan siya hinihintay ng kanyang kasintahang si Annette; ang kanya lamang problema ay hindi siya mabigyan ng visa. Sa kanyang trabaho bilang tsuper ng rent-a-car, nakilala ni Jess si Nigel Adams, isang Amerikanong gumagawa ng dokumentaryo ng mga gawing Pilipino tuwing semana santa. Ang tanging paraang nalalabi upang makasiguro sa pag-alis si Jess ang pagpapapako sa krus sa Biyernes Santo upang mabuo ang dokumentaryo ni Adams.

Makatotohanan ang pelikula at tiyak na marami sa mga manonood ang makauunawa sa mga nangyayari sa mga tauhan nito. Mala-komedya ang dating ng La Visa Loca ngunit may gusto itong ihayag na mga totoong pangyayari sa Pilipinas at sa mga Pilipino hindi dapat daan-daanin na lamang sa tawa. Ayos at akma ang pagganap ni Robin Padilla—presko at bugoy ang dating kapag komedya, ngunit may lalim din kapag hinihingi ng drama. Maliit lamang ang bahagi ni Quinto subalit tulad ng dati, magaling na napaghahalo ng artista ang pagkaseksi niya at pagkakomikera. Damang-dama din ni Johnny Delgado ang papel niya bilang mabisyong ama ni Padilla, samantalang ang pagganap naman ng dayuhang artista bilang si Nigel Adams ay tunay na kapanipaniwala. Maganda ang epekto ng grupo ng mga mang-aawit na pasulpot-sulpot sa kuwento upang tahi-tahiin at bigyang saysay ang pagkakadugtong ng mga eksena.

May isang katotohanang nais bigyang-diin ang La Visa Loca: na ang mga Pilipinong naglalaway pumunta sa Amerika ay susuungin ang lahat (pati na nga pagpapapako sa krus) makamtan lamang ang kanilang pangarap. Ang mga pangyayaring bumubuo ng La Visa Loca, sa katunayan, ay mga pinagtagni-tagni ng pelikula upang ipakita ang kaululan ng pagnanasang mangibang-bansa. Mistulang katatawanan ang pelikula ngunit matindi ang mga mensaheng nakapaloob dito, kabilang na ang pagmamahal sa sariling bansa, pananalig sa kapwa Pilipino, debosyon sa mga magulang, at pagiging responsableng mga magulang. Tinutuligsa din nito ang mga masasamang ugali at gawi ng Pilipino na siyang dumudungis sa dapat sana'y malinis na pangalan sa ating bansa at lahi, tulad ng panglilinlang ng kapwa, at ang paghimod sa banyaga, ang colonial mentality o pag-iisip na kahit anong galing sa puting lahi ay higit na mabuti kaysa sariling atin. Iminumulat din ng pelikula ang mga mata ng Pilipino sa pang-aabuso ng mga banyagang mamamahayag (foreign journalists) na namumuhunan sa paghahantad ng kabulukan ng Pilipino—at mag-iibento pa nga nga mga kuwento—upang sumulong sa kanilang propesyon. Tinatawag ng La Visa Loca ang pansin ng manonood na sa halip na ang pagkita ng salapi at pangingibang bansa ang ating atupagin, ay bigyang halaga natin ang pagkakasama-sama ng pamilya na siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating mga anak. Maaaring malumanay ang dating ng mensaheng ito ngunit makikita ninyo ito nang walang daplis kung papansinin ninyo ang simula at wakas ng pelikula—sa loob muli ng silid-aralan, masaya nang ipinapakita ni Jason ang iginuhit niyang pamilya nila sapagka't dito, kasama na nilang mag-ina ang kanyang ama.


( Source: cbcpworld.com/cinema )




Back to the top


(Wholesome gimik tayo, Gagalanginenos!!!)







CLICK HERE FOR MORE




Back to the top








"I love being married. It's so great to find that one special person you want to annoy for the rest of your life."
- Rita Rudner

Back to the top

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com