This Week
Editorial
Special
EYEBALL launching: SI PARING ERICK NG TUNDO
Segments
BEFORE SUNDAYS: Mga Pagbasa para sa Misa sa June 12, 2005
BITS AND BOBS: The Heart as the Receptacle of Love
UTAKAN CHALLENGE presents PacMAN
CLOSING REMARKS
***********************************
EDITORIAL:
TUNAY NA KALAYAAN
Sa kasalukuyan, nakikipagtunggali ang bansa sa mga modernong mananakop gaya ng kahirapan, kawalan ng katarungan, katiwalian, at imoralidad. Sa isang panayam, inamin ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mahihirapan ang bansang makabangon mula sa kinalalagyan nito.
Ang buhay nating mga Kristiyano ay hindi naiiba sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Dumanas din tayo ng matinding pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. Subalit naging malaya tayo nang mag-alay ng sarili Niyang buhay si Jesus sa krus.
Habang ating idinaraos ang dakilang araw ng ating kalayaan, mahalagang ipahayag natin sa panahong ito ang ating pag-asa sa isang mapagmahal at maawaing Panginoon na Siyang magpapagaling sa ating sugat at aakay sa atin para makabangong muli. Bilang isang bansa, muli tayong magbalik-loob sa Kanya at panghawakan ang Kanyang mga aral. Ibalik natin ang Diyos sa sentro ng ating buhay. Tanging sa Kanya matatagpuan ang tunay na kaligtasan at kalayaan!
Isang malaking karangalan para sa Tanghalang Anluwage, Inc. ang pagpapaunlak ng nag-iisang Fr. Erick Santos, ang Parish Priest ng Santo Nino de Tondo.
Si Fr. Erick, or Rev. Fr. Enrique Santos, ay ang sagisag ng mga kabataan ng Simbahan: matalino, masigla, makulit, kwela at higit sa lahat maka-Kristo. Sa taglay niyang karisma at dedikasyon sa kanyang ministry, walang madugong pagtutol kung idedeklara natin siyang isa ng ALAMAT. Buhay na alamat.
To start our EYEBALL, allow us to quote another popular priest about Fr. Erick - si Fr. Jerry Orbos, " At the "Concert for the Missions," Fr. Erick Santos brought the house down with his natural and contagious sense of humor. He is funny, without even trying. What makes him so effective I think is his willingness to give himself, even make a fool himself, for the sake of others. Give na give talaga. He is one priest who knows how to be self-effacing to make the flock happy and see again the bright side of life. Father Erick, in so many ways, reminds us again of the "11th Commandment," i.e. "Do not take yourself too darn seriously!"
ANLUWAGE: Mula po sa mataas na altar table ng isang simbahan sa Pasig hanggang sa paglangoy sa Malabon, Father, sa tingin po ba ninyo ay nalagpasan na ninyo ang pinakamatinding challenge ng pagkapari?
FR. ERICK: Mahirap sabihin kasi everyday me dumadating na bagong challenge. And I love challenges. It brings out the best in me.
ANLUWAGE: Kakaiba ang karisma mo bilang pari. At iba rin po ang style ninyo pati sa pagmimisa. Are you just being yourself or meron po kayong mensahe na gustong iparating sa ating Simbahan?
FR. ERICK: PAREHO. I'm being myself. There's no place in the church for hypocrisy. God made me this way. But it should not hinder me from being the BEST OF MYSELF. At the same time, I wish to convey a nessage, too. Kahit ano pa ang paraan ng pag- atake natin sa buhay (at sa buhay-simbahan), there will always be a place for everybody. Kahit hindi ako mukhang pari at di rin tunog-pari, I can still be effective for as long as I'm sincere.
ANLUWAGE: Can you call yourself a "rebel priest"?
FR. ERICK: Rebel, in a way, yes. Kasi nga unconventional ang approach ko. But I will always prescribe to the teachings of the Church. Medyo rebelde lang ang pamamaraan.
ANLUWAGE: Totoo bang tinanggihan mo raw pong hawakan ang Gagalangin?
FR. ERICK: NOT TRUE. It could have been a dream assignment. Kasi kahit hindi ako naka-asign sa Gagalangin, the people love me as their own.
ANLUWAGE: How'd you describe your friendship with Fr. Bong Guerrero?
FR. ERICK: Yan yung tipong magkaibigang kahit di laging nagkikita, alam namin that somewhere, somewhow meron kaming kaibigang laging matatakbuhan. Di kami nagkaroon ng kahit na kaunting pagtatalunan.
ANLUWAGE: Sinong mas pogi sa inyo?
FR. ERICK: OBVIOUS NAMAN, DI BA?
ANLUWAGE: Bakit hindi kasali si Fr. Bong sa Six Priests in the City?
FR. ERICK: He chose to be mellow by now. Eh ako kasi pinilit lang ding sumama sa grupo. Di naman ako singer.
ANLUWAGE: Bakit six lang po? Wala po ba kayong balak mag-expand?
FR. ERICK: Six lang talaga. And upon reaching the age of 45, automatic, papalitan na.
ANLUWAGE: Temporary lang ba ang Six Priests? Ano po ang objective nito?
FR. ERICK: sIX pRIESTS IN THE cITY IS HERE TO STAY. It is meant to be a group of singing priest friends - jamming-jamming, bonding-bonding. Parang magkakapatid. We wish to entertain and help poor parishes and church groups through concerts. Check our friendster page: sixpriests_inthecity@yahoo.com.
ANLUWAGE:Cardinal Sin or Archbishop Rosales?
FR. ERICK: Pareho.
ANLUWAGE: Ano ang pagkakaiba ng dalawang arsobispo?
FR. ERICK: Mas agresibo si Sin. Low profile si Rosales. Pero nagsasalita din kapag kailangan. Sin guided me through my 18 years of ministry. Rosales is a father who is always willing to listen.
ANLUWAGE: Please describe the new pope in 1 word.
FR. ERICK: MATINDI.
ANLUWAGE: Kung ibabalik ang time, would you still study in Torres High School?
FR. ERICK: SYEMPRE.
ANLUWAGE: Sino po bang idol ni Fr. Erick? Yung buhay pa.
FR. ERICK: BO SANCHEZ
ANLUWAGE: Kumustang parishioners ang mga taga-Sto. Nino?
FR. ERICK: Kasingkulit ko.
ANLUWAGE: In your personal view, ok lang po bang mag-casino ang mga pari?
FR. ERICK: Di yata maganda.
ANLUWAGE: How do you prepare for Mass?
FR. ERICK: I reflect for some minutes.
ANLUWAGE: What's your biggest disappointment, kung meron man?
FR. ERICK: Wala.
ANLUWAGE: Most embarassing moment po?
FR. ERICK: Pinagalitan ako ni Cardinal Sin sa harap ng maraming tao.
ANLUWAGE: Kung hindi naging pari si Fr. Erick, ano kaya siya ngayon?
FR. ERICK: Mayor of Manila.
ANLUWAGE: Should celibacy stay?
FR. ERICK: Defnitely.
ANLUWAGE: Paano po kayo naging close ni Ai-ai delas Alas?
FR. ERICK: We met 12 years ago. We talked and discovered na pareho kami ng Wavelength. Sya ang babaeng Fr. Erick ako namang ang lalaking AiAi. I love her very dearly. She is also supportive of my ministry.
ANLUWAGE: Smart or Globe?
FR. ERICK: Globe.
ANLUWAGE: Ano po ang dream ninyo para sa Church?
FR. ERICK: A church truly journeying with the poor and the youth. A successfull Pondo ng Pinoy.
ANLUWAGE: ABS or GMA?
FR. ERICK: Kahit kaibigan ko si AiAi, alam niyang GMA ako.
ANLUWAGE: Ano pong libangan ninyo?
FR. ERICK: Nature-tripping. The great outdoors.
ANLUWAGE: Pinakaluho ninyo, Father?
FR. ERICK: Travels abroad. Lagi namang libre eh. Lacoste apparels.
ANLUWAGE: Ok po ba sa inyong magkaroon ng paring babae?
FR. ERICK: Hindi pa oras.
ANLUWAGE: Ano po so far ang masasabing greatest accomplishment ninyo, Father?
FR. ERICK: Having sent several young people to high school and college. Remaining poor and simple. That's an accomplishment.
ANLUWAGE: Kung makakaharap po ninyo ang Diyos, ano ang pinakaunang sasabihin ninyo?
FR. ERICK: TARA NA PO.
ANLUWAGE: Maraming-maraming salamat po. Nga po pala, ilang taon na po kayo sa Priesthood? Sa UST po ba kayo nag-aral?
FR. ERICK: 18 years in the priesthood. I attended Our Lady of the Angels Franciscan Seminary (college), UST Central Seminary (Theology and Canon Law) and De La Salle (Masteral)
ANLUWAGE: MARAMING SALAMAT PO MULI, FATHER. Sana po'y hindi namin masyadong nagambala ang inyong oras.
FR. ERICK: ANONG HINDI?????
Butteror Margarine?
DO YOU KNOW... the difference between margarine and butter?
Read on to the end...it gets very interesting:
1. Both have the same amount of calories.
2. Butter is slightly higher in saturated fats at 8 grams compared to 5 grams.
3. Eating margarine can increase heart disease in women by 53% over eating the same amount of butter, according to a recent Harvard Medical Study.
4. Eating butter increases the absorption of many other nutrients in other foods.
5. Butter has many nutritional benefits where margarine has a few only because they are added!
6. Butter tastes much better than margarine and it enhances the flavors of other foods.
7. Butter has been around for centuries where margarine has been around for less than 100 years.
And now for Margarine:
8. Very high in trans fatty acids... Triple risk of coronary heart disease.
9. Increases total cholesterol and LDL (this is the bad cholesterol)
10. Lowers HDL cholesterol, (the good cholesterol)...
11. Increases the risk of cancers by up to five fold...
12. Lowers quality of breast milk...
13. Decreases immune response...
14. Decreases insulin response.
AND, HERE IS THE PART THAT IS VERY INTERESTING! (the most disturbing facts....):
1. Margarine is but only ONE MOLECULE away from being PLASTIC.
2. And, margarine is initially BLACK, but it is DYED YELLOW to look like butter.
These facts alone were enough to have me avoiding margarine for life and anything else that is hydrogenated (this means hydrogen is added,changing the molecular structure of the substance).
You can try this yourself: purchase a tub of margarine and leave it in your garage or shaded area. Within a couple of days you will note a couple of things: no flies, not even those pesky fruit flies will go near it (that should tell you something) .. it does not rot or smell differently because it has no nutritional value, nothing will grow on it...even those teeny weenie microorganisms will not find a home to
grow. Why? Because it is nearly plastic. Would you melt your Tupperware and
spread that on your toast? Yuk!
Say That You Love Me
Moral Aspect : DISTURBING
Technical : Below Average
Si Kristine (Jennylyn Mercado) ay lumaki sa isang watak-watak na tahanan (anak nina Jean Garcia at Tonton Guttierez) at maagang nasawi sa pag-ibig matapos hiwalayan ni Edward (Jake Cuunca). Si Stephen (Mark Herras) ay torpe, mahiyain ngunit masunuring anak ng kanyang amang si (Joel Torre) na naging mailap sa mundo matapos mabyudo. Sa mapaglarong takbo ng tadhana, makailang ulit nagtagpo sina Stephen at Kristine hanggang sila ay maging matalik na magkaibigan. Marahil dahil sa kakaibang karisma, kalokohan at katapangan ni Kristine, nahulog ang loob ni Stephen sa kanya. Dahil likas na mahina ang loob sa panliligaw ginaya ni Stephen ang istilo ni Edward na nabasa niya sa talaarawan o diary ni Kristine. Subalit nahuli ni Kristine na binabasa ni Stepehn ang kanyang diary at labis na ikinasama niya ito ng loob. Natauhan si Stephen at nangakong magiging matapang na ipakita ang kanyang tunay na istilo ng pagmamahal. Subalit huli na dahil nagbalik na si Edward kay Kristine.
Ang kwentong ito ay walang ipinag-iba sa mga romantikong sine na pangkabataan. Naka-sentro sa pangunahing artista sa mga mala-pulot na eksena, dalawangsidekicks na nagpapatawa, mga bigating suporta ng mga dalubhasang nakatatandang artista at sikat na awiting paulit-ulit na patutugtugin upang magbigay kilig sa mga tagahanga. Ang mga teknikal na aspeto (cinematography, disenyo ng ilaw, editing) ng sine ay maayos, malinis at masasabing higit sa standard. Ang nakapagpababa ng marka ng sine ay ang aspetong artistiko (story, screenplay, disenyo ng produksyon, musika at maging ang direksyon). Napakalabnaw ng istorya at paghubog sa mga tauhan. Masyadong OA ang pagpili ng setting at maging kasuotan lalo na si Kristine na akala mo'y modelo sa isang boutique. Sa halip na buuin ay agaw-eksena ang paglalapat ng musika. Hilaw ang pagganap ni Mercado at lalo na si Herras.
Labis na nakababagabag ang katauhan ni Kristine. Napakagaspang ng kanyang pag-uugali. Hindi siya marunong magpasalamat, napakadali sa kanya ang mambatok o manampal, wala siyang galang sa kanyang amain. Anong uri ng kaibigan ang mang-uudyok na makipagsuntukan para lamang patunay na macho siya, o hahatakin ang isang taong may mga responsibilidad sa kabuhayan ng pamilya para lamang ipagmaneho siya kung saan-saan? Hindi isang magandang halimbawa si Kristine para sa mga kabataang manonod. Nakababahala rin na ang pag-ibig ay itinatapat lamang ng pelikulang ito sa romance na nararamdaman ng mag kabataan. Dapat nating higit na ipaliwanag ang pagkakaiba ng kilig na nararamdaman ng tinedyer sa marubdob na pagtanggap sa kakulangan, pagkakaisa sa hirap at ginhawa, pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng minamahal at pagiging gabay ng bawat isa tungo sa tama, kabutihan at grasya.
( Source: cbcpworld.com/cinema )
(Wholesome gimik tayo, Gagalanginenos!!!)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home