This Week
Balitang-Balita
Benedict XVI Nagluluksa sa Pagpanaw ni Sin
Editorial
Panawagan sa Estudyanteng Pinoy
Pahina 3
Ang THS Special Science Batch '82 ( Mga Piling Eksena )
TRAHEDYA SA BUHAY NI BES'PREN DIEGO
Tanghalang Anluwage, Inc. presents GAGALANGIN COLORS
Segments
BEFORE SUNDAYS: Mga Pagbasa para sa Misa sa June 26, 2005
BITS AND BOBS: A Privileged People We Truly Are
TANGGERO: Ano ba naman ABS-CBN?
JOKE LANG: Hello, Garci!?...Battle of the Brainless ...
UTAKAN CHALLENGE featuring PacMAN plus
***********************************
(31 Agosto 1928-21 Hunyo 2005)
Bilang tapat na prinsepe ng Simbahan, nanindigan siya laban sa artificial birth control, death penalty, at charter change. Nasaksihan sa kanyang administrasyon ang pagluklok kay Lorenzo Ruiz bilang unang Pilipinong santo, ang pagdaraos ng 2nd Plenary Council of the Philippines, ang paglulunsad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at ang pagbuo ng mga bagong diyosesis bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga mananampalataya sa kalakhang Maynila.
Hindi lahat ay natuwa sa mga panunuligsa ni Sin sa gobyerno. Sa tingin ng iba, namumulitika na ang Simbahan. Kung susuriing mabuti, sumunod lang si Sin sa yapak nina Juan Bautista na mariing pumuna sa imoral na pamumuhay ni Haring Herodes, Pedro Apostol na pinili pang tumalima sa Diyos kaysa mga pariseo’t matatanda ng bayan, at Thomas Moore na nagpasyang magbitiw sa gabinete ng mapang-aping Henry VIII.
Nagdulot ng malaking kawalan sa Simbahan at lipunan ang kanyang di inaasahang pagpanaw. Sa panahong kabi-kabilang pagsubok ang hinaharap ng Inang Bayan, hahanap-hanapin ang kanyang walang takot na pakikibaka sa kasamaan, ang kanyang walang kapagurang pakikisalamuha sa madla, at ang kanyang walang kupas na karisma para pagkaisahin ang isang watak-watak na bansa tungo wastong landas.
Tigib ng kalungkutan, nakikiisa kami sa pagluluksa ng sambayanan para sa mahal na arsobispo. Taglay ang pananampalataya sa aming puso, nananalangin kaming akayin ng mga anghel ang kanyang kaluluwa sa piling ng Dakilang Pastol.
Panawagan sa Estudyanteng Pinoy
Matapos ang dalawang buwang bakasyon, muling nagbubukas ang mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad ng bansa para sa mga estudyante. Ordinaryo nang tanawin ang mga inang madaling –araw pa lang ay bumabangon na para maghanda ng agahan at baon, gayon din ang anak na pupungas-pungas at parang ayaw pang bumangon sa kanilang higaan. Maya-maya lang naglipana na sa lansangan ang samu’t saring kulay ng mga uniporme ng mga mag-aaral. Sa Gagalangin pa lang, mapapansin na ang dilaw at pula ng Torres High School, puti’t asul ng ICAM, berde ng Laurel, puti’t rosas ng Osmeña, atbp.
Mahalaga sa ating kultura ang edukasyon. Itinuturing ito ng mga nakatatanda bilang isang pamanang di masisira o mananakaw ninuman. Ganoon ang ating pananaw bilang isang bayan kung kaya hangga’t maaari “Quality Education” an gating hinahangad para sa ating mga supling. Kung maganda ang aral, maganda ang magiging kinabukasan ng mga kabataan. Subalit gaya ng anumang bilihin, may halagang nakatatak sa isang de kalidad na edukasyon. Totoong malaking tastas sa bulsa ang pangmatrikula. Bukod dito, nariyan din ang gastos sa pagbili ng mga libro, notebooks, at baong salapi/pagkain. Ganoon pa man, nagsasakripisyo si Itay, Inay, Kuya, o Ate, basta makapag-aral at maging titulado si Totoy o Nene.
Nananawagan kami sa mga mag-aaral: Hasain ninyo ang inyong mga isip sa kaalaman at karunungan. Paunlarin ang inyong pangangatawan sa pamamagitan ng isports. Patabain ang inyong mga puso sa wastong aral at pakikitungo sa kapwa-tao. Minsan lang ang buhay-estudyante kaya samantalahin ninyo ang pagkakataon para kayo matuto at mangarap sa buhay.
Kung magagawa ninyo ang mga payong ito, nasuklian ninyo na ang pagpupursigi ng inyong mga mahal sa buhay at mga guro. Higit sa lahat, nasimulan ninyo nang ibangon ang ating bansa mula kangkungan ng kamangmangan at katiwalian.
SANTO PAPA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI SIN
Benedict XVI said he was "deeply saddened" by the death of Cardinal Jaime Sin, the retired archbishop of Manila who died at the age of 76.
The Pope relayed his sentiments in a message of sympathy to the faithful of the Archdiocese of Manila, which the Philippine cardinal headed for almost three decades. The archdiocese noted that Cardinal Sin has been described as "patriot and prophet."
In a telegram to the prelate's successor, Archbishop Gaudencio Rosales, the Holy Father recalled "with gratitude Cardinal Sin's unfailing commitment to the spread of the Gospel and to the promotion of the dignity, common good, and national unity of the Philippine people."
"I join you in praying that God our merciful Father will grant him the reward of his labors and welcome his noble soul into the joy and peace of his eternal Kingdom," said Benedict XVI. He imparted his apostolic blessing to those gathered in Manila for a Mass for the cardinal's eternal rest.
According to the Archdiocese of Manila, the cardinal was hospitalized on Sunday and succumbed today to multiple organ failure related to sepsis.
His delicate state of health -- he suffered from kidney problems and diabetes -- had prevented him from taking part in the conclave that elected Benedict XVI.
With his death, the College of Cardinals now numbers 181 members, including 115 electors. ( ZENITH.ORG )
0 Comments:
Post a Comment
<< Home