Bilang isang bayan, sama-sama nating buoin ang proyektong ito.
***********************************
This Pistang Bayan Week
Special
When We Were Kids by Pietro S. Albano
It's Very Vladi by Mk Flores
Dekreto ng Paggalang by Hidalgo del Arrabal
Segments
BEFORE SUNDAYS: Mga Pagbasa para sa Pentecost Sunday
BITS AND BOBS: Born and Bred in Gagalangin
TANGGERO: Mga Multo sa Internet
FORWARDED: Payabangan ng 4 na Nanay
INFO ISANG MINUTO: Gagalangin Trivia
UTAKAN CHALLENGE
CLOSING REMARKS
***********************************
By Mk Flores
This 30 years old, 5 feet and seven inches guy, is facing maybe the wildest challenge of his life – leading Tanghalang Anluwage, Incorporated to survival. And he is doing fine.
As President, Vladimir Velarde Reyes was able to salvage the group from series of storms that almost “killed” it including the traumatic experiences brought by the Alzheimer’s-afflicted Saint Joseph de Gagalangin Parish Pastoral Council.
No doubt Vlad is Batang Promil. As if there was Promil 3 decades ago. He directs, write songs, does prop, voice-over announcing, musical scoring, light designing, choreograph, mind you, and a lot more. Name it and he can do it.
These are the collective Anluwage’s impression of our leader. Multi-media, di ba? But we are curious how this shy –but- malupit- sa- ideas single but taken guy doing outside Anluwage.
We snooped his Friendster.
A certain Portia, “Tama clang lahat, kuya ka nga ng bayan =).. saludo ako dyan pagdating sa computers, genius.. pagdating sa pagkain, aba, masasabing "may taste".. Mabait din at kapag nasa mood, mahilig mangulit at magpatawa.. kaya nga nagtataka kami.. kc hanggang ngayon single ka pa rin…"
"ahh,itong si vlad???? nkasabay ko to once ng sumakay ako sa jeep hanggang sa paglakad sa kahabaan ng quiapo (ppuntang lrt), di ko makakalimutan nung chinika nya ko at tnanong kong name nya. sabi ba nman: "vlad...mr dbm???".. syet, napaka privileged ko pla n nkilala ko cya noh?!?!? hehehe.. wlang kahilig-hilig mag text ang taong ito, parang galit sa load. pag nasa office, fan nman cya chika at YM. mdaming tanong yan, minsan pa nga prang di n nya alam ang gus2 nyang itanong sa kung sino mang gusto nyang pagtanungan (juni lee syndrome).. hilig din yan sa theater, cguro pti sa music.. ok n friend yan, inde yan pikon pag kinukulit ko.. u cud just imagine kung gano cya kabait no?!?!?!? god speed and c ya round buddy!!!!!!!!!" This is from Girlie, I presumed an officemate.
May revelation si Delyn: "we know him for his "green jokes." xadong artistic 2ng c kuya vlad...everytime may occasion sa DBM xa lagi ang pinapagawa ng mga cards and etc..(remember ung d ka nakakain???).nweiz, he's so bait. you won't regret na naging fwend mo 2. he's the best kuya for me. I find him sweet. miss na kita kuya vlad..lalo pag lunch time..tc always ha..whenever you need me,,jst txt me na lang(if ever u need me po!i know naman kc dmi nagmamahal sau!) god bless po...hope you find na the "right gurl" for you.hope u won't change kuya vlad...miss u! "
Sanch agrees, “the kuya i never had. he's the one who oriented me with this computer thing (how i remember the days when i go ohh and ahh over his knowledge on lotus and
wordstar:)). jack of all trades to! he plays the guitar, he acts on church plays, he bakes that good ol'pineapple upside down cake and the best of all...he took care of me, cang and egie during our growing up stage. kuyang-kuya talaga to. kelan kayo ako magkaka-ate? wehehehe...”
Danica has also something to say. ” kuya emir is very simple and very humble person.. bait bait yan at super galing mg-guitar.. wag nyo n tanungin kung magaling kumanta basta mgling cya mg guitar(hehehe!! joke lng pow!) syempre no, mgling umanta..(mahal bayad skin!). C nny ko ang k chismisan ng nny ni kuya emir kya nung mga maliliit p kme lagi kme andun s bhy nila(as if lumaki ko!! wheeheh)... kkmiss nga ung mga days n un e. Though ndi n tyo ngkikita,i will always treasure all the memories that we had before. Good luck s buhay buhay natin.. "
See? I’ve told you. Vlad is no ordinary humanoid. Green-minded pa pala. An excellent baker. At may pagkatsismoso rin. This is our President and we are very proud of him.
Let our founder, Art B. Reyes, close this article.
"Si Vlad? Naku, napakabait na kaibigan nito.. at napakagalante pa.. miss ko yung mga kuwento niya na hindi maubos-ubos.. at animated pa.. :) He is one of my treasured friends as we grew up and served in a church.. and take note that we both bear the same surname, Reyes.. though we're not related to each other, biologically..
How can I forget the Tanghalan and Ang Pahayagang Anluwage days, our musical play for our beloved patron, St. Joseph, the Pitong Hapis, Pitong Tuwa..? I still remember the songs that we wrote for that play.. I still sing them whenever I cherish the memories of our good old days.. This man is an actor too if you don't know.. He's a 3-in-1, as in he can act, direct, and play the sounds for the play.. No, he doesn’t sing well, I'm sorry for that.. :)
I vividly remember the play Sa Ngalan ng Ama wherein you had the role of a general.. At the end of the last act you were supposed to turn the table upside down because of anger, but you didn’t do that as you just carefully clobbered it instead.. The reason? There was a fried chicken at that table and it would be a waste just to throw it away.. The cast ate that chicken after the show to their delight.. I learned that it was your agreement with them... Hahahaha..
I still want to serve with you at the Cathedral.. I'll be on the first reading and psalms, and the rest are yours.. Of course, the commentator job is for Manong Piets... :) Oh, I really
miss that days and would want to do it once I come back there..! "
Happy Birthday, Sir Vlad!
Imno Kay San Jose
(Please press the play button to repeat.)
Titik ni AMADO V. HERNANDEZ ( Pambansang Alagad ng Sining )
Musika ni MAESTRO LEON IGNACIO
Isinaayos ni Arnold J. Vidar
O Poong San Jose
Pintakasing ibig,
Tanggulan at lakas,
Buong pananalig
Kami po'y ipag-adya
Sa mga panganib.
Kami nawa'y laging
Kupkupin ng langit.
O Poong San Jose
Na mapaghimala,
Sa mga panganib,
Sa hirap, sa digma!
Kami'y laging ligtas
Sa iyong andukha.
Kami'y laging ligtas
Sa iyong andukha.
Maligayang nayon
Itong Gagalangin.
Ang bawat pangarap,
Adhika't dalangin
Ay namumulaklak
Na parang bituin!
Ay namumulak
Na parang bituin!
Click here para sa buong kwento
Born and Bred in Gagalangin
My British colleagues have described me to be polite or respectful. To which I answered, “I actually came from a place which called ‘respected’.” Ever since a child, I kept wondering why our town was named “Gagalangin”. Some may even find it hard to enunciate the name like my US-based cousin who once was heard to say “Galagalangin”. Of course, any fluent Filipino/Tagalog-speaking citizen would understand that the name came from the word “galang” (respect). During my stint as Editor of Ang Pahayagang Anluwage, I had a late afternoon chat with James and Felice Carls. During our conversation, the late Sir James told me that the reason behind the name was that the respected people of society (“iginagalang” or “kagalang-galang”) once lived here. This claim was bolstered by a book found by Anluwage colleagues at the National Library years ago. The book, which featured different districts of Manila, mentioned too that Gagalangin was a vast plantation of oranges (“dalanghita”) and other vegetables.
However, because the place is in the notorious district of Tondo, there has been a general perception that the town is riddled with crime, vice, and what-have –you. In effect you may ask “Meron pa bang maigagalang sa Gagalangin?” (Is there anything else respectable in Gagalangin?) Indeed, there came a time when Gagalangin became a haven for hoodlums. This may have begun when people from other parts of the country migrated to this “once marshy suburb” after World War II. Gone are the days when Gagalangin is called “Forbes Park ng Tondo”.
In spite of this harsh reality, Gagalangin has been a witness to many chapters of my life. I was born in St Rita Hospital, when people have hangover (after the fiesta) three decades ago. I received the Sacraments of Baptism and Confirmation in St Joseph Parish Church. My first attendance at Mass might have taken place in either the hospital chapel or the church. It wasn’t then surprising to see me serve in these places later on as religious affairs co-ordinator, teacher, and parish volunteer. I was even elected barangay councillor in the late 90s. I believe that through my service in Gagalangin I would be able to give something in return to my birthplace and hometown. On a more personal note, it was the place where romance blossomed between me and a delightful woman who would later become my spouse.
Gagalangin too is my teacher, a teacher who can, at times, be frank of speaking the truth no matter if I get hurt or not. One of her lessons challenged me a lot. Was it about getting rich or popular? Absolutely not! Her lecture reads: People may think I have lost my dignity. It’s never lost even if the rich and noble have gone elsewhere. My dignity is found in your heart, my son, and in the hearts of my other children. Live up to that dignity, wherever you may be.
What does Gagalangin have to say to you? Take the time to review your notes this fiesta, before the noise, food, or drinks get in your head!
Happy fiesta, fellow Gagalangineños!
Pistang Sentenaryo, 'Yon na ba 'yon?
As usual, gahol na naman ako sa oras para sa deadline ko dito sa anluwage.com. Eto't nagkukumahog na naman ako sa pagsusulat. Ano bang magandang topic? Fiesta? Common na. Santa Cruzan? Kabi-kabila na yon? Tsismis?
Mmm...interesting.
***
Para umanong mapait na gamot ang ginawang pagbibitiw ni Bro. Totoy Santos, ang may-ari ng Santos Pharmacy, bilang taga-pangulo ng Special Ministers of the Eucharist ng Saint Joseph de Gagalangin Parish kamakailan. Ayon sa ating mga espiya, may kinalaman diumano rito ang kanilang pagtatalo ng ating Kura Paroko tungkol sa tamang kuwalipikasyon upang maging isang Lay Minister.
Kailan kaya ang talab ng gamot?***
Speaking of Kura Paroko, hindi na mabilang sa kamay ang nagpapahayag umano ng kanilang pagkadismaya sa paraan ng pagpapatakbo ng ating Parokya. May nakarating pa sa ating sitsit na 3 na umanong petisyon ang naihain sa tanggapan ng Vicar Forane ng Vicariate of the Holy Spirit laban sa ating Kura. Isa na umano rito ang naibasura dahil sa kakulangan ng merito.
Ang masasabi ko? BELAAAT!!!
***
Alalahanin natin na ang mga Kura Paroko ay hindi mga pangkaraniwang opisyal na basta na lamang mapapatalsik sa pamamagitan ng mga petisyon-petisyon. Sila ay itinatalaga ng Arsobispo upang maging kinatawan niya sa mga parokya. Kailangan ng matinding dahilan upang gumawa ng aksiyon ang Arsobispo.
Anong masasabi ko? Try and try until you success. Wakikiki!!!
***
Ang anluwage.com ay naniniwala sa lakas ng katotohanan lamang. Inilalabas ko ang mga tsismis na ito hindi upang magkalat ng tsismis o mga balitang hilaw sa katotohanan. Ipinapain natin ang mga sitsit na ito upang mapilitang lumutang ang katotohanan.
Blah, blah, blah!!!
***
Teka, naubusan na naman kami ng Gasul. Bibili muna ako. For the meantime, iri-recycle ko muna yung luma kong article pampiyesta para sa mga di nakabasa nito noon. OK?
Happy Fiesta? Sige na nga. Happy Fiesta na! Wala tayong magagawa. Ito na yun- Pistang Sentenaryo.
***
Ilang mga pagmumuni-muni ko tungkol sa Gagalangin:
BARMAT - Pasensiya na pero talagang Baryo Matae ang tawag sa isang lugar na ito sa Gagalangin. Di ko na papangalanan kung saan ito dahil takot akong mapana. Basta ang alam ko kailangan mong ingatan ang bawat hakbang mo sa lugar na ito dahil kung hindi tiyak shet na malagket ang dadampi sa tsinelas o sapatos mo. Normal na eksena na rito tuwing umaga: mga bagong gising na bata, pupungas-pungas na lumalabas mula sa kanilang bahay, uupo sa kung saan nila gusto at saka buong pwersang ibabagsak ang kanilang “sama ng loob.”
ROTONDA – Plaza Balagtas daw ngayon courtesy of Councilor Jhun Concepcion. Sa pinakasentro nito ay ang monumento ni Gat. Franciso “ Balagtas” Baltazar. Minsan isang bagong taon, may mga “cute ang inang” mga tinedyer ang nag-trip. Galit siguro sa haba ng Florante at Laura kaya tinaniman ng “Super-lolo” ang monumento at saka sinindihan. Kawawang Balagtas, leeg na lang ang natira.
BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO – Hanggang ngayon niri-research ko pa rin sa National Library kung sino ang nakaimbento ng mga salitang ito. Gusto ko kasing malaman kung noong imbentuhin niya ito ay kasama ang salitang “bawal.” Kasi kung saan merong ganitong paskil, doon naman maraming tambak na basura.
NORTH BAY POST OFFICE – Only in Gagalangin kaya may nakataling aso sa pintuan ng post office, katabi ng nagtitinda ng sigarilyo? WELCOME! ( Nga pala, noon yon, ha? Buhay pa ba yung aso o napulutan na? )
SI ALING CHING AT SI ALING LINDA - Ang pinakapaborito kong malulusog na tindera ng baboy at baka sa Pamilihang Bayan ng Pampanga.
KUMUNOY, HALIGING BATO, SUNOG-APOG - Saan? Kada dadaan ako sa Kalye Bulacan, sa gilid ng Torres High School, hinahanap ko yung kumunoy pero di ko naman Makita. Bakit kaya tinawag na Kumunoy ang lugar na ito? Ganoon din sa Kalye Pampanga, sa likod ng Jollibee at 7-Eleven; Haliging-Bato ang tawag , di ko naman alam kung bakit. Ganoon din sa kalye sa pagitan ng Laurel High School at talipapa; Sunog-Apog ang tawag samantalang wala namang sunog.
PARAISO – Ang palaruan ng mga bata malapit sa Hermosa. Wala doon sina Eba at Adan, ha?! Di ba pinalayas nga?
LUZON - Sa Gagalangin, wala pang isang oras ay malilibot mo na ang halos buong Luzon. Umpisahan mo sa Pampanga, kilalang bilihan ng pasalubong na buko at lugaw ni Jossa. Daan ka sa Bulacan at makitambay sa mga estudyante ng Osmena. Tapos daan ka sa Cavite. Wala lang. Daan ka lang. Wala naman kasing anting-anting dito. Then diretso ka na sa Laguna Extension para mag-horse back riding. Daming kuwadra ng kabayo doon. Since malapit ka na sa Batangas, why not? Kaso di na yata sakop ng Gagalangin iyon.
***
MULTO SA INTERNET.Ilang email ang natanggap ko recently about this picture. Na kesyo kailangan ko raw i-send ito sa 13 email address bago dumating ang Biyernes, May 13 at kung hindi ay mamamatay daw ako.
Katarantaduhan!
Juan Luna Street used to be called Calle Anloague. Anloague means “carpenter”, the occupation of Gagalangin Parish’s Patron, St Joseph.
There are several streets in Gagalangin named after renowned Philippine provinces : Antipolo, Bulacan, Cavite, and Pampanga.
Tirso Cruz Street is named after Tirso Cruz Sr, famous musician and conductor, composer of Mabuhay March. Before the renaming, the street was called “Angat” a river found in Bulacan.
Rotonda was simply called as such until then Councilor Flaviano Concepcion Jr passed a resolution to have it named Plaza Francisco Balagtas in honour of the man who wrote “Florante at Laura”. His statue was actually at the centre of this roundabout long before having this official name. Strangely, it was recently renamed Plaza Vicente Del Fierro. Balagtas’ statue is nowhere to be found.
According to research, the first and second love of Francisco "Balagtas" Baltazar, Lucena and Bianang, respectively, are native beauties of Gagalangin.
Gagalangin Health Center’s official title is Atang de la Rama Health Center. Honorata “Atang” de la Rama, now a National Artist, was known in her time as “Zarzuela Queen”. She was a parishioner of St Joseph Parish Church and was privileged in many occasions to sing the “estrofa” of the “Imno sa Poong San Jose” during fiestas.
The first National Artist for Literature, Amado V. Hernandez, was the husband of Atang dela Rama, and author of the numerous nationalistic masterpieces such as Isang Dipang Langit, Kung Tuyo na ang Luha Mo, O Aking Bayan at Luha ng Buwaya. Their love nest was in Cavite Street, between Bato and Yangco Streets. More
Gagalangin's third National Artist, Rolando S. Tinio, was born in Benita Street. A playwright, thespian, poet, teacher, critic and translator, marked his career with prolific artistic productions. In his credits are: Sitsit sa Kuliglig, Dunung - Dunungan, Kristal na Uniberso, A Trick of Mirrors.
Musical genius Levi Celerio could be considered the fourth National Artist of Gagalangin for he's a certified "tambay" of Gagalangin. It's said that some of his inspirations were hailed from here.
St Rita Hospital College of Nursing and School of Midwifery’s old name was Scout Ramon V Albano Memorial College, in commemoration of Ramon, the founders’ fifth child who died in an airplane crash together with other Filipino Boy Scout delegates in July 1963.
Armando J. Malay, a giant in Philippine journalism and Philippine activism, whose career as educator and activist for press freedom spanned over six decades, was a very proud Gagalangineno and product of Torres High School. More
Pepe’s was an over-subscribed eatery found right across the Rotonda. One of its famous meals was pork barbeque. Nowadays, seafood barbeques like fish and squid have become popular. You can find them in Benita Street across a tapsilogan.
Sidecars were for private use only, until 1987, when high tides – regardless if it’s raining or not – became unbearable for residents. At present, you could see an array of sidecars along S del Rosario, Pampanga, T Earnshaw, and Cavite Streets.
In North Bay Boulevard, officially known as Don Honorio Lopez Boulevard, named after writer and philanthropist who lead the Katipunan's campaign in Tondo, we could still find the Post Office, China Bank, Ricardo’s, and Aroma.
In V del Fierro corner R Fernandez Streets, there used to stand a public library. On its ground floor was a barber shop. Among the barbers were During, Turing, and Pito.
( A production of Anluwage Research Unit )
*******
When
We Were
Kids
It was in the early 80s when it started to flood --- on a sunny day, mind you! It becomes worse when rains started to pour. These high tides came even during Christmastime. Actually, they start to arrive in May. Strangely, people managed to have their firecrackers lit during New Year’s Eve. So used have we been to them that whenever the year ends, we looked forward to our Chinaman neighbour’s calendar gifts with high tide predictions. Streets near the Estero de Sunog Apog like Gapan, T Earnshaw, Cavite, V del Fierro, and Antipolo were virtually erased from the map of Gagalangin at certain times of the day (or night) whenever the sea level rises.
It was a patintero with the grimy waters. You have to wake up early for work or church before seeing a millilitre of flood. One time I went to church wearing short pants. I later washed and changed before serving at Mass. On occasions that I have to go to church or elsewhere and go home late at night, I have to fold my pants – thank God they’re loose! – several times before I started to test the waters. They’re cool at times, but I was afraid to stay for long lest I fall prey to leptospirosis.
When T Earnshaw St was up to its eyeballs, I have to go to Rotonda to catch a jeepney. On the transport, you could hear various stories from co-passengers who braved the floods. Jeepney drivers are known to be wise guys every time this catastrophe hits the town. There’s re-routing to this and that street and before you know it, you’re either in Balut or back to Blumentritt.
Gagalanginenos were resourceful though; the sidecar became real and made its dwelling among us! However, you have to pray hard that the chap on the wheel won’t slap you with an exorbitant fee.
Yet floods have been a headache across Manila. After Gagalanginenos went through with the floods in their own yard, here comes another treat in Blumentritt: flood plus a network of neighbours. One home along the riles would welcome you into their abode so you can cross through a makeshift bridge to another home. Just don’t forget to drop your piso in the collection tabo.
People tended to say nasty things about Gagalangin being a flooded area. That’s already history. Now we are grateful that things got better when a pumping system was introduced in the early 90s. So successful it has been that Gagalangin remained “dry” while its neighbours submerge in water. I just hope that both the government and people would cooperate in maintaining and upgrading this project for years and generations to come. I hope too that this respected district of Manila will rise from the other floods that have inundated it up to this time: poverty, drugs, materialism, and dirty politics.
Dekreto ng Paggalang
By Hidalgo Del Arrabal
Igalang mo ang iyong sarili. Ito ang basehan para igalang mo ang iba at igalang ka rin nila.
Igalang mo ang iyong katawan at kaluluwa. Pag-aari’t pamamahay sila ng Dakilang Lumikha.
Igalang mo ang kalikasan. Isa siyang magandang pamana sa iyong mga anak.
Igalang mo ang mga nakatatanda sa iyo. Nadaanan na nila ang landas na ngayon mo palang natututuhang tahakin.
Igalang mo ang mga nakababata sa iyo. Minsan ka ring naging gaya nila: puno ng buhay, lakas, at ideya; pero nangangailangan ng suporta at wastong halimbawa.
Igalang mo ang mga kababaihan. Sikapin mong masilayan sa kanila ang sarili mong ina o kapatid. Igalang mo ang mga dukha, naulila, at may-sakit. Gamitin mo ang iyong kakayahan at kalusugan para mapalaya sila sa kanilang kalagayan.
Igalang mo ang mga biktima ng intriga at kawalan ng katarungan. Iwasan mong makiisa sa mga taong umuusig sa kanila.
Igalang mo ang iyong mga pinuno. Di birong responsibilidad ang nakapatong sa kanilang balikat, makiisa ka sa pagpasan nito.
Igalang mo ang iyong mga pinamumunuan. Sagutin mo sila sa Araw ng Paghuhusga.
Ang Alamat ng Sampaguita
Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa matatanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.
Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.
Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin.
Nakapagtataka kung bakit gayong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanyang madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.
Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbalik, tumanggap siya ng balita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak.
"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang bilin ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binabalik ko lamang sa dapat kalagyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."
Ipinag-alab ng loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.
Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kasama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggahan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalawang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.
Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala....
Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.
Courtesy of
Tagalong-dictionary.com
Pagalingan ng Anak!
May apat na mga mothers na proud na proud sa kanilang mga anak na naging mga pari't obispo na.
Sabi ng isang mother: "Alam n'yo, proud na proud ako sa anak kong pari. Dahil ‘pag nakikita siya ng mga tao ang tawag sa kanya ay ‘Reverend Father'".
Sabi ni second mother: "Mas proud ako sa anak ko, dahil pag nakikita siya ng mga tao ang tawag lagi nila sa kanya ay "Your Excellency'".
Ang sabi naman ni third mother: "Wala yan! Mas mahusay ang anak ko at mas proud ako sa kanya dahil kahit saan siya magpunta nagtitilian ang mga tao at ang itinatawag sa kanya ay ‘Your Holinness'".
Pasok naman ang fourth mother at ang sabi niya: "Mga kumare, nakita na ba ninyo ang anak ko?
Hindi pa! Sagot nila.
At itinuro niya ang kanyang anak at sabay-sabay nilang sinabing: "Oh my God!"
(Wholesome gimik tayo, Gagalanginenos!!!)
Tulungang makalaya ang cute na kangaroong ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.
Madali lang 'to!
3D BOWLING
Prayer for World Debt Day
(16 May 2005)
Grant me your Spirit
God grant me the spirit of courage,
that I may have the strength to fight injustice.
Give me the spirit of challenge,
that I may not accept the status quo without question.
Give me the spirit of compassion,
That I may see the world from other people's viewpoint.
I ask for the spirit of gentleness, that I may listen to the voice of the poor
without trampling on their dreams in my rush to action.
God grant me your Spirit,
The spirit of truth, justice, and hope
That I may rest and work in the vision of a new future
Where all are linked by the bonds of humanity
Not enslaved by the chains of debt. Amen.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home