March 22, 2005

The Stations of the Cross

The Meaning of Lent
By Pietro Bernardino S. Albano
The Feast and Fast
The Prayer of Lent
THE CHAPLET OF THE DIVINE MERCY


To Our Lady This Lent
click here


Click image

An Easter On-line Experience.






HOLY TUESDAY

21 March 2005

Unang Pagbasa: Is 49:1-6

Ebanghelyo: Jn 13:21-33, 36-38


Nakahilig sa hapag kasama ang kanyang mga disipulo, nabagabag ang kalooban ni Jesus, at nagpatunay: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Nagtinginan ang mga alagad at pinagtatakhan kung sino ang tinutukoy niya. Nakahilig sa tabi ni Jesus ang isa sa kanyang mga alagad, ang mahal ni Jesus. Kaya tinanguan ito ni Simon Pedro para usisain si Jesus kung sino ang kanyang tinutukoy.


Kaya paghilig niya sa tabi ni Jesus, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, sino ba iyon?” Sumagot si Jesus: “Siya iyong ipagsasawsaw ko ng kapirasong tinapay at siya kong bibigyan.” At pagkasawsaw ng kapirasong tinapay, ibinigay niya iyon kay Judas, anak ni Simon Iskariote. Kasunod ng kapirasong ito, pumasok sa kanya si Satanas. Kaya sinabi sa kanya ni Jesus: “Magmadali ka sa gagawin mo.”


Walang nakaunawa sa mga nakahilig sa hapag kung ba’t sinabi niya iyon sa kanya. Dahil nakay ni Judas ang bulsa, inakala ng ilan sa sinasabi sa kanya ni Jesus: “Bumili ka ng mga kailangan natin para sa Piyesta,” o kaya’y mag-abuloy sa mga dukha.


Kaya pagkakuha niya sa kapirasong tinapay, agad siyang lumabas. Gabi noon. Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Jesus: “Niluwalhati na ngayon ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa kanya ang Diyos. At agad naman siyang luluwalhatiin ng Diyos sa sarili nito.


Mga munting anak, sandali na lamang n’yo akong kasama. Hahanapin ninyo ako at gaya ng sinabi ko sa mga Judio sinasabi ko rin sa inyo ngayon, ‘Kung saan ako papunta, hindi kayo makaparoroon.’


Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, saan ka papunta?” Sumagot si Jesus: “Hindi ka makasusunod ngayon sa akin kung saan ako papunta; susunod ka pagkatapos.” Winika sa kanya ni Pedro: “Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyo.” Sumagot si Jesus: “Iaalay mo ang buhay mo alang-alang sa akin? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi titilaok ang tandang hanggang makaitlo mo akong maitatuwa.


Reflections

Coming clean

By PBSA


“Who is it, Lord?” (Jn 13:25; TEV – Second edition © 1992)

Nagmamaang-maangan is one trait we sometimes resort to when we feel guilty of something. Other words for it are patay-malisya, deadma, nagmamalinis. We ask questions or express statements as though we are innocent of an evil deed.

As Jesus was having supper – His last supper – with the apostles, He suddenly announced that one of them will betray Him. Of course, one by one, His followers started to ask. Judas the traitor asked too as though he never knew what will happen to his Master.

This Holy Tuesday, let’s put a stop to playing clean. If we are at fault, then we should be humble enough to say, “It is I, Lord!”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com