March 28, 2005

SI KRISTO AY MULING NABUHAY...
ALLELUIA, ALLELUIA!!!



Unang Pagbasa: Gawa 10:34, 37-43


Nagsalita si Pedro, at sinabi: “Naiintindihan ko na ngayon na talaga ngang walang kinikilingan ang Diyos.



Alam ninyo ang mga nangyari sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea pagkatapos ng binyag na ipinangaral ni Juan. Hinirang nga ng Diyos si Jesus na taga-Nazaret sa Espiritu Santo at kapangyarihan. Saanman magpunta, siya’y gumagawa ng mabuti at nagpapagaling sa lahat ng nasa kapangyarihan ng diyablo, sapagkat sumasakanya ang Diyos. Saksi kami sa lahat ng kanyang ginawa sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem.



Saksi kami sa lahat ng kanyang ginawa sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem.

Pinatay nila siya nang ibitin siya sa punongkahoy. Ngunit binuhay siyang muli ng Diyos sa ikatlong araw at ipinakita siya; hindi sa lahat ng tao kundi sa mga saksing hinirang na noong una pa ng Diyos - kami na kumain at uminom na kasalo niya matapos na muli siyang mabuhay. Iniutos niya sa amin na mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya nga ang hinirang ng Diyos na maging hukom ng mga buhay at ng mga patay. Siya ang tinutukoy ng lahat ng propeta nang ipahayag nilang tatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan ang sinumang sumasampalataya sa kanya.

Ikalawang Pagbasa: Col 3:1-4



Kung ibinangon nga kayong kasama ni Kristo, hanapin ninyo ang mga bagay sa itaas; naroon si Kristong nakaluklok sa kanan ng Diyos. Isipin ninyo ang mga mula sa itaas, hindi ang mga makalupa. Namatay kayo, at sa Diyos natatago ang inyong buhay kasama si Kristo. Sa pagpapakita kay Kristong buhay natin, ipakikita rin kayong kasama niya sa kaluwalhatian.

Ebanghelyo: Jn 20:1-9

Pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”


Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa libingan. Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.


Dumating namang kasunod niya si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na nakalatag, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya ay di kasama sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at siya’y naniwala. Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan siyang magbangon mula sa mga patay.



Reflection


One-track mind
by Pietro Bernardino S. Albano

They still did not understand the scripture which said that he must rise from death. (Jn 20:9; TEV – Second edition © 1992)

A leader once had a considerable number of followers when a new group was put up in the community. Most of his followers were attracted to the new group that they began to join its activities. The leader was at first offended as though that group is slowly snatching his followers. One time, he decided to immerse himself in that group’s programmes. He realised how different it was with his own group and how it appealed to his followers. He left his group and became an active member of his newly found organisation.

Sometimes we become so one-track minded like the apostles that we often forget to read the “signs of the times” and have a feel of what our family/peers/clients have to say.

On this greatest feast of the Church let us rise from our foolishness and apathy into pro-active witnessing of the Gospel.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com