Moral Aspect : Acceptable
Technical : Average
Si Cyd ay isang simpleng dispatsadora sa isang malaking supermarket. Beinte-tres anyos na siya ngunit hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Nagkakasya na lamang siya sa pagbabasa ng mga romantikong pocketbooks at iniisip na sana ay makatagpo rin siya ng katulad ng mga lalaki sa kanyang mga nababasa. Sa pagiging kontento sa simpleng buhay, bigla niyang nakilala ang anak ng may-ari ng supermarket na kanyang pinagtatrabahuhan, si Philip (Piolo Pascual). Naging mabilis ang mga pangyayari sa kanilang dalawa; agarang niligawan ni Philip si Cyd sa pamamagitan ng magagarbong paraan. Ngunit bigla na lang itong naglaho nang tanggihan ni Cyd ang alok niyang pag-ibig. Nanghinayang si Cyd sa pagkawala ni Philip ngunit wala naman siyang magawa pagkat hindi niya alam kung paano ito hahanapin. Nakilala naman ni Cyd si Ebong (Piolo Pascual) na kamukhang-kamukha ni Philip. Iba si Ebong kay Philip. Mahilig ito outdoor sports at hindi masyadong malambing. Muling nabighani si Cyd ngunit nang ipagtatapat na niya sanang mahal niya si Ebong, may lumapit naman sa kanya at nagpakilalang dating kasintahan ni Ebong at binalaan niya itong wag mahulog sa bitag ni Ebong. Iniwan ni Cyd si Ebong nang malaman niya ito. Muli ay may nakilala si Cyd na kamukhang-kamukha nina Philip at Ebong, si Jaime (Piolo Pascual). Ngunit di hamak na mas payak ang isang ito kaysa sa dalawang lalaking nauna. Mai-in-love na sanang tuluyan si Cyd nang nalaman niya ang itinatagong lihim nina Philip, Ebong at Jaime.
Hindi katulad ng Let the Love Begin, hindi isang ordinaryong love story ang Dreamboy. Naiiba ang trato nito sa kuwentong pag-ibig na hinaluan ng makabagong konsepto ng ?reality TV?. Ngunit ang kaibahan ding ito ang pawang naging kahinaan ng pelikula. Hindi tuloy masyadong nagalugad ang mga posibilidad ng kanyang genre dahil naipit ito ng sarili nitong konsepto. Hindi nakaka-kilig ang tambalang Piolo Pascual at Bea Alonso. Wala silang tinatawag na ?chemistry? bilang magkapareha. Masyadong maraming elemento ang pinagbuhusan ng pansin ng pelikula tulad pag-iilaw at sinematograpiya at nakaligtaan ang pinaka-importante, ang kuwentong dapat sana ay magpapakilig sa manonood. Sa kabila ng lahat, kahanga-hanga pa rin ang Dreamboy sa katapangan nitong ibahin ang konsepto ng love stories.
Hindi rin naging maganda ang unang mensahe ng pelikula kung saan ay pinaglaruan nito ang damdamin ng mga bida pati ang damdamin ng mga manonood. Hindi gawang biro ang magmahal kung kaya?t hindi ito dapat ginagawang biru-biro lang. Lalo?t higit, hindi ito dapat gawing pagkakakitaan ng may ibang taong nasasaktan at natatapakan. A ng pakikialam din ng media sa personal na buhay ng tao ay hindi rin maganda. Ipinakita rin sa pelikula na ang pangarap ay taliwas sa tunay na buhay. Ngunit pawang hindi maliwanag kung ano ba ang nais sabihin nito. Maari bang mangyari sa tunay na buhay ang mga ?fairy tales? at mga istorya sa pelikula? Magkahalo pa rin ang mensahe ng pelikula ukol dito. Masyado ring pilit ang konsepto ng pagmamahal sa pelikula. Hindi naipakita nito kung paanong natututong magmahalan ang dalawang puso. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa pelikula na aakalain ng mga manonood na ang lahat sa pag-ibig ay ganoon lamang kadali at kababaw. Ngunit sa kabila ng lahat, sinasabi pa rin ng pelikula na hindi pa rin tayo dapat bumitaw sa paniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig, makailang beses man tayong magtiwala at masaktan.
Moral Aspect : ACCEPTABLE
Maaring gasgas na ang temang poor boy meets rich girl ngunit nabigyan naman ito ng bagong bihis sa Let the Love Begin. Mahusay at nakakaaliw ang mga nagsiganap at naging makulay at biswal ang isang ordinaryong kuwento. May mga naging problema nga lamang sa istorya gaya ng hindi maliwanag na kuwento ng buhay nina Eric at Pia. May mga karakter din na bigla na lamang sumusulpot at nawawala sa kuwento tulad nina Tonton Gutierrez at Bearwin Meily. Marami ring insidente sa pelikula ang hindi kapani-paniwala tulad ng mga gamit na naiiwan sa silid aralan ng matagal na panahon at mga biglaang pamumuo ng pag-iibigan. Hindi maliwanag ang daloy ng damdamin sa kuwento kung kaya’t hindi masyadong nakakadala ang ibang eksena. Masyado ring malinis tingnan si Richard Gutierrez bilang janitor bukod sa hindi kapani-paniwala ang trabahong ito para sa karakteng niyang guwapo at matalino.
Ang Let the Love Begin ang pelikulang magpapanumbalik sa paniniwala ng manonood sa kapangyarihan ng pag-ibig. Dito muling ipinakita na dumarating ang pag-ibig sa kahit sino at sa tamang panahon. Kahanga-hanga rin ang malaking papel na ginampanan ng pagdarasal sa pelikula. Ang Diyos nga naman ang sentro ng lahat ng pag-iibigan kung kaya’t marapat lamang na Siya rin ang maging daan at sentro ng anumang relasyon. Kita rin sa pelikula ang pagbibigay halaga sa ating mga kaugalian tulad ng paggalang sa matanda at pagiging masunurin. Kapansin-pansin din ang tunay na pagkakaibigang namayani sa mga tauhan sa kabila ng iba’t-ibang estado sa buhay. Bagama’t pawang hindi na totoo, kahanga-hanga pa rin si Eric na bukod sa masipag at matalino ay mapagkumbaba pa ito. Bagama’t nakapaloob pa rin sa konteksto ng istorya, may ilang nakababahalang gawi ang ipinapakita sa pelikula na dapat ipaliwanag upang hindi tularan ng mga kabataang manonood: gaya ng bandalismo, pagiging delingkuwente sa pag-aaral, pagkakalat sa paligid, labis na hilig sa porma, at pagkutya sa tao dahil sa pagkamaralita nito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home