March 16, 2005


BALITA: Mga bulag pwede ng magbasa ng text messages.

Kailan naman kaya pwedeng tumawag sa cellphone ang mga pipi?

***

Maraming salamat kay Kapatid Arnold Vidar sa pagpapadala niya sa amin ng sked ng mga aktibidades sa parokya para sa Kapistahan ni San Jose at sa Mga Mahal na Araw.

Next week iisa-isahin natin ang mga activities.

***

Hinahamon ni Congressman Edcel Lagman ang CBCP o Catholic Bishop Conference of the Philippines para sa isang debate upang malaman daw ng publiko kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Your honor,

***

Sabi ni Willie Revillame sa kanyang programa, masarap magmahal ang kapamilya-ang ABS-CBN. Pero bakit di sila naaawa sa mga taong binibilad nila sa init at lamig para lamang makasali sa Pera o Bayong? Oo nga, hindi nila pinilit ang mga taong iyon para pumila pero bakit di na lang nila kunin ang mga entries ng mga pobreng iyon at saka nila pauwiin at paghintayin na lang sa bahay kung kailan sila mabubunot?

Willie, !!!

***

Isang kababayan nating US-based ang nag-email sa aminupang itanong kung hanggang ngayon daw ba ay naka-maong pa rin si Fr. Nesty Gungon, ang Kura ng Saint Joseph, kapag nagmimisa.

Aling Tess, sorry, wala pa po kaming Fashion Editor dito sa anluwage.com.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com