February 28, 2005

TIBOK



SAVE THIS BABY!...


Help STOP House Bill 00016

Ang panukalang batas na ito ay nakabimbin pa rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso subalit tiyak na naghihintay lamang ng tamang pagkakataon upang maaprubahan.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines, ang panukalang batas, na ang pangunahing layon umano ay limitahan sa 2 anak lamang ang bawat mag-anak na Pilipino, ay tahasang pag-atake sa kasagraduhan ng pamilya at sa karapatan ng mga Pilipino na desisyunan ang kanyang karapatan.

Sa ngayon ay wala pa tayong balita sa pasya ng ating kinatawan sa Kongreso, ang butihing Jaime C. Lopez, hinggil sa kanyang magiging boto para sa Bill na ito, subalit mas mainam na ngayon pa lamang ay maiparating natin sa kanya ang ating pagtutol sa panukalang ito.

Ipagbigay alam natin sa ating Congressman Lopez ang ating paggalang sa kasagraduhan ng Pamilyang Pilipino. Abangan sa susunod na mga issue ng anluwage.com ang ating pasisimulang kampanya upang maibasura ang nasabing panukalang batas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com