February 15, 2005

[Editor's Note : Ang mga web site reviews na mababasa ninyo sa segment na ito ay sariling opinyon ng aming mga writers at hindi ng Tanghalang Anluwage, Inc. For your own reviews and comments, please email us via anluwage1@yahoo.com. ]


KARAOKE-MANIA
By Mike Flores
Likas na mahilig kumanta ang mga Pilipino. Bawat handaan o pagtitipon tiyak may kantahan. Lalo na ng maimbento ang karaoke at videoke, basta may mic at tugtog, kanta na si Juan dela Cruz. Kaya minarapat ng manunulat na ito na suriin ang ilang web site na nag-aalok ng mga libreng karaoke.
BLESSA.COM - Punong-puno ng pag-ibig ang site na ito sapagkat karamihan ng mga awit na nakapaloob dito ay patungkol sa pag-ibig. Simple ngunit elegante ang lay-out nito kaya hindi mahirap buksan ng browser. Hindi nga lang ito mabuting source ng music habang nagsi-surf ka sa internet o nagcha-chat dahil hindi mo ito maririnig kapag naka-minimize. Pwede bang i-download ang mga kanta? HINDI.
Ratings : * * * *
TRISTANCAFE.COM - Ang site na ito ay parang kare-kare - maraming sangkap. Mayroon itong message board, mga jokes, chat, columns, atbpa. Subalit ang kanyang pinaka-karne ay ang streaming music at sing-a-long features nito.
Bagama't tunog-lata ang ilan sa mga kanta sa kanilang streaming music, pwede na rin pagtiyagaan dahil may mga bagong awit namang nakapaloob dito, kasama na ang "Bulaklak" ng The Company.
Nakakaaliw naman ang listahan ng kanilang karaoke songs dahil variety ang genre nito, inclusing Batibot theme. Downloadable ba ang mga kanta? HINDI.
Ratings: * * *
Trivia > Si Roberto " Bert " del Rosario, isang Pinoy inventor, ang nakaimbento ng Karaoke Sing-a-long system dala na rin ng kanyang passion sa musika. Kabilang sa kanyang credit ang 20 pang patented inventions.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com