February 16, 2005

BREAKING NEWS




Matinding lungkot diumano ang naramdaman ng Santo Papa, John Paul II nang mabalitaan ang pagpanaw ni Sister Maria Lucia, ang nalalabing saksi sa pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Fatima, Portugal. Ito ay ayon sa isang insider sa Vatican.

Si Sister Lucia ay yumao sa edad na 97 noong Linggo , Pebrero 13, 2005, sa piling ng kanyang mga kasamang madre sa Convent of Coimbra, hatid na rin ng katandaan.

Ayon kay Portuguese Cardinal Jose Saraiva Martin, “ Batid nating lahat ang malalim na pagkakaibigang namagitan kina Sister Lucia at Santo Papa. Ilang beses silang nagkita at para sa Santo Papa ito ay napakahalagang sandali sa diwa ng pananampalataya. “

Lagi umanong sinasabi ng Santo Papa na ang kanyang pagkakaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya sa St. Peter’s Square noong Mayo 13, 1981 ay sa intervention na rin ng Birhen ng Fatima. ( Larawan at detalye mula sa Catholic Online )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com