ANG PAGTUKSO KAY JESUS
Unang Pagbasa: Gen 2:7-9; 3:1-7
Pagkatapos ay hinubog ni Yahweh-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at inihinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao. Nagtanim ang Diyos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niya inilagay ang Taong kanyang hinubog. Pinasibol ni Yahweh-Diyos sa lupa ang lahat ng punongkahoy na maganda sa tingin at mabuting kainin. At inilagay niya sa gitna ng hardin ang Puno ng Buhay at ang Puno ng Kaalaman tungkol sa Mabuti at Masama.
Pinakatuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yahweh-Diyos. Sinabi nito sa babae: “Sinabi ba talaga ng Diyos – Hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin?” Sinabi ng babae sa ahas: “Makakain namin ang mga bunga ng mga puno sa hardin, ngunit para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin sinabi ng Diyos – Huwag ninyong kakanin iyon ni hipuin man lang, kung hindi’y mamamatay kayo.”
Sinabi ng ahas sa babae: “Hindi kayo mamamatay, ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang mabuti at masama.”
Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin – at tunay na magandang paraan upang magtamo ng kaalaman. Kaya pumitas siya ng mga bunga niyon at kumain, at inabutan niya kaagad ang kanyang asawa na kasama niya. At kumain din iyon.
Namulat sila kapwa at nalaman nilang sila ay hubad. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng igos at ginawa nilang tapi.
Ikalawang Pagbasa: Rom 5:12-19
Sa pamamagitan ng iisang tao pumasok ang kasalanan sa daigdig; at sa pamamagitan ng kasalanan, ang kamatayan. At umabot ang kamatayan sa lahat ng tao dahil nagkasala ang lahat. Nasa daigdig na ang kasalanan, pero wala pang matatawag na paglabag dahil wala pang Batas. Kaya mula kay Adan hanggang kay Moises, napailalim sa kamatayan maging ang mga hindi nagkasala dahil sa paglabag sa utos - gaya ni Adan - na siyang anino lamang ng ibang darating na Adan.
Ganyan ang pagkadapa. Ngunit walang kaparis ang bisa ng kaloob ng Diyos. Namatay ang lahat dahil sa kasalanan ng isa lamang; ngunit mas dumadami pa ang regalo ng Diyos, ang masaganang libreng kaloob na umabot sa napakaraming tao mula sa isang tao na si Jesucristo. Noo’y may isang makasalanan lamang. Mas malawak naman ang kaloob. Mula sa isang hinatulan ang paghatol, ngunit ngayon, marami ang mga makasalanang na-ging matuwid. Iisa ang nagkasala noon, at mula sa iisa lamang naghari ang kamatayan, ngunit ngayon, kay sagana ng kaloob na regalo ng kabanalang tinatanggap ng mga maghahari sa kaharian ng buhay sa pamamagitan ng iisang Jesucristo!…
Ebanghelyo: Mt 4:1-11
Dinala ng Espiritu si Jesus sa disyerto upang tuksuhin siya ng diyablo. Pagkatapos ng apatnapung araw at apatnapung gabing di kumakain, nagutom si Jesus. Kaya lumapit sa kanya ang demonyo at sinabi: “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.” Ngunit sumagot si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao kundi sa bawat namumutawi sa bibig ng Diyos.”
Dinala naman siya ng diyablo sa Banal na Lunsod, inilagay siya sa nakausling pader ng Templo, at sinabi: “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka paibaba pagkat sinasabi ng Kasulatan: Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel para sa iyo. Bubuhatin ka nila upang hindi matisod ang iyong paa sa bato.” Sumagot si Jesus: “Ngunit sinasabi rin ng Kasulatan: Huwag mong hamunin ang Panginoon mong Diyos.”
At agad na dinala ng diyablo si Jesus sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng bansa ng daigdig sampu ng kayamanan at kadakilaan ng mga ito. At sinabi sa kanya: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung luluhod ka at sasamba sa akin.” Kaya sumagot si Jesus: “Lumayo ka, Satanas! Sinasabi nga ng Kasulatan: Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos; siya lamang ang iyong paglilingkuran.”
Kaya iniwan siya ng diyablo at lumapit naman ang mga anghel at naglingkod sa kanya.
Reflections:
Out of limits
By Pietro BS Albano
Jesus answered, "But the scripture also says, 'Do not put the Lord your God to the test.' " (Mt 4:7; TEV-Second edition © 1992)
"Huwag nyo akong subukan!," cried one Philippine president in his inaugural speech. People cheered him for uttering these bold words. The country was graft-ridden that a leader who means business was more than required of. High hopes for him and the nation pervaded the air, but it was short-lived. He was found to be involved with the evils that he swore to fight. Further more, he was a womanizer. He may have thought that as president, he can do whatever he wanted whenever he wanted. Some quarters did not take heed of his battle cry. They tested him. The result? He was found wanting. EDSA 2 brought him down.
Like that infamous president, we often forget our limitations. We know that our income is only this much and yet we spend a fortune for things that may not be worthless at all, but are not essential for our well-being. We have been told by the doctor never to smoke or drink because we are ill, yet every now and then we ignore those advices that may be for our advantage. We are in abject poverty yet every year needy families have another mouth to feed.
We try God in every way possible each time we don't pay attention to our limitations.
( The Bible Readings are courtesy of "ANG PANDESAL" by Claretians Communications Philippines )
0 Comments:
Post a Comment
<< Home