January 13, 2005


Hindi natin namamalayan na tayo pala ay madasaling tao. Sa mga pagkakataong may problema tayo, sa tuwing may takot sa ating mga puso, kapag tayo'y masaya, ano ang kadalasan nating nasasabi? "Diyos ko po!" " Oh my God!" " Thank you, Lord!" Ito'y mga panalangin.

Kabi-kabila ang mga problemang dumarating sa ating buhay, at halos bumigay na tayo subalit matibay ang kapit natin dahil alam nating may Diyos na handang makinig at tumulong sa atin, magsabi lang tayo.

Sabi nga ng isang kuwento, may isang lalake raw ang namatay at kaagad umakyat sa langit ang kanyang kaluluwa. Medyo VIP ang taong ito kaya siya inilibot ni San Pedro sa ilang kuwarto sa langit. Sa unang kuwarto, nakita niya ang maraming anghel na abalang-abala sa pagta-trabaho.

"Ito ang call center ng langit. Dito tinatanggap at inaayos ang mga dasal ng mga tao."

Ang sumunod na silid ay mas malaki at mas maraming anghel ang halos pagod na pagod na sa pag-gawa. " Ito ang delivery service," sabi ni San Pedro. " Dito binabalot at sinasagot ng Diyos ang bilyong-bilyong kahilingan ng mga tao."

Samantala, sa ikatlong silid naman ay iisang anghel ang naroroon at halos walang ginagawa.
" Ah, ito naman ang Acknowledgement Center. Bibihira ang trabaho dito kasi bibihira rin ang mga taong nakakaalalang magpasalamat sa Diyos once na matanggap na nila ang package mula sa Diyos."

Kaya po, sa pamamagitan ng segment na ito, inaanyayahan namin kayo, bilang isang bayan, na manalangin sa ating Panginoon , ito man ay maging kahilingan o pasasalamat. Araw-araw ay ipa-publish po namin ang inyong mga prayer requests at thanksgivings sa blog na ito at kasama ng buong puwersa ng Tanghalang Anluwage at mga readers ng blog na ito, sama-sama natin itong ipararating sa ating Dakilang Diyos.

Our email address: anluwage1@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com