December 30, 2004

BATANG GAGALANGIN ( Episode 1 )

Halos lahat ng members ng Tanghalang Anluwage, Inc. ay dito na sa Gagalangin ipinanganak at lumaki, though may ilan na di pa rin lumalaki. Kaya di rin katakataka na dito namin napiling ibuhos ang aming paglilingkod. Lahat kami ay nakaranas lumanghap ng amoy ng Smokey Mountain diyan sa Balut, lalo na kapag malakas ang hangin. Hmmmm, nakaka-miss!

Karamihan sa amin produkto ng Princesa Urduja, ng Lakandula, ng Torres, ng Benitez. Meron din from ICAM, kahit pa walang pasok pag high tide. Meron din from St. JO, kahit pa mas marami ang extra curricular activities nito kesa oras para sa academic ( joke lang ). Di lang namin matandaan kung meron sa amin nagsuot ng white shirt & maong pants at white blouse and pink palda as school uniform.


Masasabi namin na wala ni isa man sa amin ang hindi bumili ng school pads, manila paper o cartolina sa Rosie's Store o kaya sa Reyes diyan sa Solis. Pati na gamit para sa paggawa ng parol. Nakakatakot nga lang tumawid ng Solis dahil tila galit sa mundo ang mga driver ng biyaheng Blumentritt.


Noon wala pang Jollibee at 7-Eleven pero meron naman kaming biglang liko at saka Jossa's Lugawan. Nakatikim na ba kayo ng spaghetti na puro ketsup? Eh yung SiLog? Sinangag saka Itlog. Limang piso pag single rice at siyete pesos pag double. Pag marami namang baon na pera, lugaw na may lamang taling-puso o kaya goto.


Meron pa kayang tumatambay sa Grand Central? Eto kasi hang-out namin noon pag nagka-cutting classes kami. Sakay ka lang ng dyip papuntang Blumentritt, P1.50, tapos P1.00 lang LRT, ayos na. Dadala lang kami ng baon na T-shirt para di halatang estudyante. Malas mo lang pag nakasakay mo ang titser mo.


Siguro ngayon SM City Manila o kaya Tutuban na lang pag taghirap.


Ganito halos ang tipikal na eksena noong nag-uumpisa pa lang maging tao ang aming generation. Gagalangin ang background ng aming kuwento... Sa susunod na yung iba pang kuwento.

Ikaw, ano kuwento mo?



2 Comments:

At 2:46 PM, Blogger b said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 2:42 AM, Anonymous Anonymous said...

Too bad ngayon ko lang nakita itong blogspot na ito heheh although last Dec 30' 04 lang ang creation, still nice to hear from people you knew that's been part of your growing years...

Bakit nga ba nating naisipang itayo ang Anluwage?? La lang...

Anyways, hope to hear from you guys!

Nel

 

Post a Comment

<< Home

Name *
Subject: *
E-mail Address: *
Age
Message *
Contact No.

* RequiredPowered by myContactForm.com